^

Metro

Carjackers sumalakay sa QC

-
Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Quezon City Police (QCPD) laban sa limang carjacker na bumiktima at tumangay sa kotse ng batikang composer na si Vehnee Saturno, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Sa ulat ni Senior Supt. Raul Petrasanta, QCPD Baler Police Station, naganap ang insidente dakong alas-9:15 ng gabi sa kanto ng West Avenue at Del Monte Avenue sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Saturno, ipaparada pa lamang niya sa parking lot ng Metro Bar ang kanyang sasakyang Toyota Fortuner na kulay itim na may plakang ZAF-558 nang biglang sumulpot ang isang puting van na hindi naplakahan. Agad na bumaba ang dalawa sa limang armadong lalaking sakay nito.

Tinutukan umano siya ng baril at inutusang bumaba sa kanyang sasakyan at saka pinasakay sa van ng mga suspect. Habang ang dalawa naman ang siyang nagmaneho sa kanyang sasakyan.

Ayon sa mga awtoridad isinama umano ng mga suspect si Saturno sa kanilang pagtakas, pagdating sa bahagi ng Marilao sa Bulacan saka pinababa ng mga suspect ang biktima at tuluyang itinakas ang sasakyan nito.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin narerekober ang bagong sasakyan ni Saturno na inalarma na rin naman ng mga awtoridad. (Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BALER POLICE STATION

DEL MONTE AVENUE

DORIS FRANCHE

METRO BAR

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

RAUL PETRASANTA

SATURNO

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with