Ngunit sa mga biktimang isinugod sa Ospital ng Makati, tanging si Roxanne Suguitan, 21 ang patuloy pang inoobserbahan ang kalagayan nito, dahil sa daming nalanghap nitong kemikal.
Nabatid kay Dr. Marilyn Bermudez, ligtas na sina Angel dela Cruz, 52; Hilda Teologio,50; Felicidad Candelado, 35; Jonathan De el Valle, 24; Mabel Cedo, 36, pawang mga guro ng San Isidro High School, na matatagpuan sa Borneo st., Barangay San Isidro, Makati City; Ronald Baldos, 24, Ramon Macaja, 28, kapwa guwardya sa nabanggit na paaralan at si Monaq Dalagan, 23, kung saan pinalabas na ang mga ito ng nabanggit na pagamutan.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang clearing operation upang tiyakin na malinis na ang mga nagkalat na kemikal na posibleng kumitil ng maraming buhay.
Napag-alaman na inilikas ang ilang kalapit residente upang hindi madamay at hindi maapektuhan hinggil sa kumalat na chemical spill.
Matatndaan na noong Lunes, kumalat ang napakaraming nakakamatay na kemikal sa science laboratory ng San Isidro High School, kung saan siyam na katao ang isinugod sa nabanggit na pagamutan. (Lordeth Balasa)