^

Metro

Eskuwelahan sa Makati, bantay sarado pa rin

-
Bantay sarado pa rin sa mga pulis at mga kagawad ng barangay ang isang paaralan sa lungsod ng Makati dahil sa kumalat na chemical spill mula rito, samantala ligtas na sa ngayon ang siyam sa sampung biktima na nakalanghap nito at inilikas ang ilang kalapit residente dito.

Ngunit sa mga biktimang isinugod sa Ospital ng Makati, tanging si Roxanne Suguitan, 21 ang patuloy pang inoobserbahan ang kalagayan nito, dahil sa daming nalanghap nitong kemikal.

Nabatid kay Dr. Marilyn Bermudez, ligtas na sina Angel dela Cruz, 52; Hilda Teologio,50; Felicidad Candelado, 35; Jonathan De el Valle, 24; Mabel Cedo, 36, pawang mga guro ng San Isidro High School, na matatagpuan sa Borneo st., Barangay San Isidro, Makati City; Ronald Baldos, 24, Ramon Macaja, 28, kapwa guwardya sa nabanggit na paaralan at si Monaq Dalagan, 23, kung saan pinalabas na ang mga ito ng nabanggit na pagamutan.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang clearing operation upang tiyakin na malinis na ang mga nagkalat na kemikal na posibleng kumitil ng maraming buhay.

Napag-alaman na inilikas ang ilang kalapit residente upang hindi madamay at hindi maapektuhan hinggil sa kumalat na chemical spill.

Matatndaan na noong Lunes, kumalat ang napakaraming nakakamatay na kemikal sa science laboratory ng San Isidro High School, kung saan siyam na katao ang isinugod sa nabanggit na pagamutan. (Lordeth Balasa)

BARANGAY SAN ISIDRO

DR. MARILYN BERMUDEZ

FELICIDAD CANDELADO

HILDA TEOLOGIO

JONATHAN DE

LORDETH BALASA

MABEL CEDO

MAKATI

MAKATI CITY

SAN ISIDRO HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with