Abogado todas sa ambush
November 29, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 52-anyos na abogado makaraang tambangan ng apat na hindi pa kilalang kalalakihan habang papunta sa parking lot na kinapaparadahan ng kanyang kotse kahapon ng umaga sa Marikina City.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng kalibre .45 baril sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang biktimang si Atty. Glenn McAskell, private lawyer at operator din ng mga taxi, residente ng 17 Permaline Homes Brgy. Fortune ng lungsod na ito.
Ayon kay Supt. Sotero Ramos Jr, hepe ng Marikina Police, naganap ang pananambang dakong alas-8:00 ng umaga habang naglalakad ang biktima kasama ang kanyang driver at caretaker patungo sa parking lot, 100 metro ang layo sa kanyang bahay.
Bigla na lang sumulpot ang apat na suspect na armado ng ibat ibang kalibre ng baril at dalawa sa mga ito ay pinagbabaril ang biktima habang ang dalawa pa ay nagsilbing look out.
Nang masigurong patay na ang abogado ay pinadapa ng mga suspect ang dalawang kasama nito at sinimulang kunin ang mga wallet at cellphone ng mga ito bago mabilis na tumakas.
Dalawa sa mga suspect ang kumomander ng isang motorsiklo habang ang dalawa pa ay sumakay sa motorsiklong nakaparada hindi kalayuan sa lugar ng pangyayari.
Napag-alaman pa kay Ramos na dalawang angulo ang tinitignan nila sa nasabing kaso dahil bilang isang pribadong abogado ay maraming malalaking kasong hawak ang biktima at tinitignan din nila kung may nakagalit itong mga tauhan bilang isang taxi operator.
Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa agarang pagkakalutas ng kaso. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended