Trader dinukot sa Malabon
November 28, 2006 | 12:00am
Dinukot ng tatlong armadong kalalakihan habang nakikipag-kuwentuhan sa kanyang mga kaibigan ang isang negosyante sa Malabon, kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Cipriano "Cip" Lacson, residente ng 8 Kagitingan Extension, Malabon City.
Ayon sa ulat, dakong alas-10 ng umaga nang dukutin ang biktima habang ito ay nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan sa loob ng isang kubo malapit sa bahay ng una nang biglang dumating ang tatlong kalalakihan na armado ng kalibre 45 baril saka sapilitang kinuha ang biktima at mabilis na isinakay sa isang puting Pajero na walang plaka.
Ilang minuto matapos ang pagdukot ay nakatanggap ng tawag ang pamilya ng biktima na nagbabanta na may mangyayaring masama kay Lacson kung ipaalam sa mga awtoridad ang pagdukot dito.
Hindi pa malinaw kung ano ang posibleng motibo sa pagdukot kay Lacson o kung ito ay isang kaso ng kidnap-for-ransom. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended