^

Metro

Ina naburyong, 4 na anak hinostage

-
Dala ng sobrang kahirapan at dami ng problema sa buhay ay nagawang sunugin ng isang ina ng tahanan ang kanilang bahay at pagkatapos ay tatlong oras na hinostage at tinutukan ng patalim ang kanyang apat na anak kahapon sa Marikina City.

Ayon kay SPO2 Arnel Manuel ng Criminal Investigation Division (CID) ng Marikina police, dakong alas-10 ng umaga ng bigla na lamang maburyong at sunugin ng suspect na si Asleah Dimacuta 26, ang kanilang bahay na matatagpuan sa No. 15 Manggahan St. Brgy. Tañong ng lungsod na ito.

Subalit bago pa tuluyang lumaki ang apoy ay nakatawag na agad ng bumbero ang kanyang mga kapitbahay at naagapan pang kumalat ang sunog.

Subalit hindi doon tumigil ang pagwawala ng suspect na mabilis na kinuha ang kanyang apat na anak na nasa edad 7-anyos ang pinakamatanda at 6 na buwang gulang ang pinakabunso at bitbit ang dalawang patalim na hawak sa magkabilang kamay ay hinostage nito ang mga bata.

Habang hostage ang mga anak ay patuloy na inilalabas ng suspect ang kanyang sama ng loob at mga paghihirap nito sa kanyang buhay dahil sa wala ring trabaho ang asawa nito.

Tumagal ng halos tatlong oras ang ginawang pangho-hostage ng suspect sa kanyang mga anak at kahit anong negosasyon ay hindi napakiusapan ng mga pulis, kamag-anak o kahit na ng asawa nito na bitiwan nito ang mga anak.

Natapos lang ang hostage drama dakong ala-1 ng hapon nang ang kumpare na ng mag-asawa na nakilalang si Louie ang namagitan sa insidente at napahinuhod na sumuko na ang suspect at wag saktan ang mga bata.

"Yung kumpareng Louie kasi ang inuutangan nung mag-asawa kapag gipit sila sa pera, siguro tumanaw lang ng utang na loob yung suspect kaya sinunod nito ang payo nung kumpare na bitawan na ang mga anak," pahayag ni Manuel.

Sa ngayon ay kasalukuyang nasa kostudiya ng pulisya ang suspect at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ANAK

ARNEL MANUEL

ASLEAH DIMACUTA

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

EDWIN BALASA

MANGGAHAN ST. BRGY

MARIKINA CITY

SUBALIT

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with