Sinabi ni NBI-Intellectual Property Division chief, Atty. Jose Justo Yap, ang pagsalakay ay bunga ng inihaing reklamo ng Pfizer Inc., Phils.
Kabilang sa mga nahulihan ng mga pekeng Viarga at Norvasc na gamot sa puso ay ang Couples Med Pharmacy sa Flores St., San Pablo, Laguna; 2 sangay ng Farmacia Linda, San Pablo, Laguna; Shermar Pharmacy Branch 1 at Sun Pharmacy sa San Pablo rin.
Ang Pangkatipunan Drug Store sa Lucena City; Farmacia Alpena sa Tiaong, Quezon; Vadeths Pharmacy sa Recto Avenue sa Lipa City, Batangas at Farmacia Alpena sa Escudero, Tiaong, Quezon.
Ang pagsalakay ay isinagawa sa bias ng search warrants na inisyu ni Judge Socrates Erasmo ng San Pablo Regional Trial Court, Branch 30.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Special Law in Countefeit Drugs sa ilalim ng Republic Act 8203 laban sa mga may-ari ng sinalakay na botika. (Ludy Bermudo)