Layunin umano ng pagkakaso sa kanya ay para mang-harass, i-discredit at i-discourage sila sa kanilang kampanya. Nabatid na ang kasong robbery ay isinampa ng isang Naguib Dimatingcal Taher ng Metrowalk Commercial Complex at isang Criz Valdez ay sinasabing naganap noong Oktubre 14 at Nov. 17.
Ang kaso namang physical injuries ay isinampa ni Mansawi Usman Botiri, ng Metrowalk din.
Puro lamang umano pag-aakusa ang ginagawa sa kanila na wala namang naibibigay na ebidensya gaya na lamang ng sinabi ng isa sa mga complainant na si Valdez na naganap umano ang pagnanakaw sa kanya noong Nob. 17 gayung wala siya sa bansa sa nasabing petsa at dumating lamang siya noong Nobyembre 22. Ang kanyang passport at plane ticket ang magpapatunay dito.