2 sekyu niratrat ng kapwa sekyu, kritikal
November 23, 2006 | 12:00am
Dalawang security guard ang nasa malubhang kalagayan nang pagbabarilin ng kanilang kasamahan habang nakikipag-usap ang mga ito sa kanilang officer-in-charge kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Kasalukuyang inoobserbahan sa National Orthopedic Hospital ang mga biktima na sina Joey Eleuterio, 38, at Edgar Genodia, 36, kapwa security guard ng Speed Force Security Agency.
Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspect na si Lito dela Cruz, ng nasabi ring agency matapos ang walang habas nitong pamamaril sa kanyang mga kasamahan.
Ayon sa ulat, dakong alas-10:45 ng gabi habang nakikipag-usap sina Eleuterio, Genodia at kanilang OIC na nakilala lamang na Mr. Jimenez nang bigla na lamang dumating ang suspect dala ang isang shotgun. Walang sabi-sabing ikinasa nito ang shotgun at saka pinagbabaril ang dalawang biktima. Masuwerte namang hindi tinamaan si Jimenez na agad nakatakbo habang niraratrat ng suspect ang mga biktima.
Alitan sa trabaho ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pamamaril ng suspect sa kanyang mga kasamahan. Dala ang shotgun nang tumakas ang suspect na ngayoy tinutugis ng operatiba ng Malabon Police. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended