^

Metro

3 araw na ‘Pig holiday’

-
Magsasagawa ng tatlong araw na "Pig holiday" o tigil sa pagbebenta ng karneng baboy ang mga samahan ng hog raisers sa Metro Manila.

Ayon sa grupong Agriculture Sector Alliance of the Philippines (ASAP), handa nilang isagawa ang naturang hakbang anumang araw mula ngayon dahil na rin sa kawalang aksiyon ng pamahalaan sa walang humpay na pagpupuslit ng mga imported na karne mula sa iba’t ibang bansa.

Bukod dito, sinabi ni Nick Briones, pangulo ng ASAP, sa halip umanong sunugin ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang mga nakumpiskang hot meat sa Sta. Rita, Pampanga, ito ay naibebenta pa sa ilang mga pamilihan.

Sinasabing ang naturang hot meat ay binili ng Green Sea Manufacturing sa Malabon na pag-aari ng isang Carlos Co at pinulbos pang gawing pagkain ng isda.

Bunsod nito, nirekomenda ng ASAP sa pamahalaan na bawasan ang importasyon ng mga karne sa bansa o di kaya ay tuluyan nang ipatupad ang total hog ban lalo na ang pag-aangkat ng karne sa China para masolusyunan ang problemang ito. (Angie dela Cruz)

AGRICULTURE SECTOR ALLIANCE OF THE PHILIPPINES

ANGIE

AYON

BUKOD

BUNSOD

CARLOS CO

CRUZ

GREEN SEA MANUFACTURING

METRO MANILA

NICK BRIONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with