Ayon sa mga opisyal ng Association of Firearms and Dealers Association (AFDA), dadalo sa DSAS opening ceremony si PNP chief Director General Oscar Calderon bilang guest of honor and speaker. Dadalo rin sa naturang okasyon ang bagong PNP Firearms and Exposives Division chief na si Senior Supt. Florencio Caccam, mga representatives ng PNP Civil Security group at si Mandaluyong City Vice Mayor Jesus Cruz. Ayon kay AFDA President Neri Dionisio, darating din sa naturang okasyon si Mary Grace Tan, dating World Practical Shooting Competition gold medalist at tatlo pang kababaihan na itinuturing ng mga gun aficionado kaugnay sa tema ng gun show ngayong taon na "Women who empower and defend themselves."
Kabilang dito sina Julie Rose Tactacan-Defensor, may bahay ni Presidential Management Staff chief Michael Defensor; Police Senior Supt. Perla Ramos-Ilac ng PNP; at Trial Court Judge Marilou-Tamang. Si Julie Rose ay isa sa mga Filipino women ace shooters na sumabak sa 2005 World Practical Shooting Competition bilang miyembro ng Philippine Team na ginanap sa Guayaquil, Ecuador. Mahigit sa 30 firearms manufacturers at dealers ang lalahok sa 2006 DSAS na madi-display ng mga modernong armas para sa mga sibilyan, militar at pulis. Tulad ng mga nakalipas na DSAS gun shows, magkakaroon din ng "one-stop shop" para sa pagkuha ng mga requirements sa pagpapalisensiya ng mga baril na nabili ng mga sibilyan doon.