^

Metro

Kahera nanlaban sa snatcher, kritikal

-
Agaw buhay ngayon sa pagamutan ang isang 36-anyos na babae makaraang pagsasaksakin ito ng isang menor de edad na snatcher na tumangay ng kanyang bag habang papauwi sa kanilang bahay, kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.

Kasalukuyang ginagamot sa Mandaluyong Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Josephine Salac, kahera at residente ng Kayumanggi St. Brgy. Plainview ng lungsod na ito.

Samantala naaresto naman ang 17-anyos na binatilyong suspect matapos na habulin ng mga kagawad ng barangay na agad sumaklolo sa pangyayari.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong ala 1:00 ng madaling araw sa kahabaan ng Sikap St. Brgy. Plainview ng lungsod na ito habang papauwi ang biktima sa kanilang bahay galing sa trabaho nang bigla na lang sumulpot ang suspect buhat sa dilim at agad na hinila ang dalang bag ng una. Subalit nanlaban umano ang biktima at nakipag-agawan ng bag sa suspect dahilan upang maglabas ito ng patalim at undayan ng sunud-sunod na saksak ang babae.

Nang makuha ang pakay na bag ay mabilis na tumakas ang suspect subalit nakita ito ng rumispondeng mga barangay tanod at nagkaroon ng ilang minutong habulan hanggang sa masakote ang una. Kasalukuyang nakapiit ang suspect sa Mandaluyong detention cell habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito. (Edwin Balasa)

AGAW

EDWIN BALASA

JOSEPHINE SALAC

KASALUKUYANG

KAYUMANGGI ST. BRGY

MANDALUYONG

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG MEDICAL CENTER

PLAINVIEW

SIKAP ST. BRGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with