^

Metro

2 kritikal sa nag-trip na senglot

-
Nasa kritikal na kondisyon ang dalawang kabataan matapos na pag-tripang saksakin ang mga ito ng isang umano’y lasing na teenager kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Kasalukuyang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan ang mga biktimang sina Jonathan Bartolata, 1st year high school student at Romeo Barceo, 21, kapwa residente ng Pinagsabugan Longos ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling-araw ng maganap ang insidente habang bumibili ng pandesal si Bartolata sa isang bakery shop sa nabanggit na lugar nang makasalubong nito ang lasing na suspect na si Raymond Saraga, 19. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang umano itong pinagsasaksak ng suspect at saka mabilis na tumakas papalayo sa nasabing lugar.

Subalit habang tumatakbo papalayo ay bigla naman nitong nakasalubong si Barceo at inundayan din ng sunud-sunod na saksak bago tuluyang tumakas, gayunman arestado rin ito ng mga nagpapatrulyang barangay tanod. Inihahanda na ang kaso laban dito. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AYON

BARCEO

BARTOLATA

GEMMA AMARGO-GARCIA

JONATHAN BARTOLATA

MALABON CITY

PINAGSABUGAN LONGOS

RAYMOND SARAGA

ROMEO BARCEO

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with