^

Metro

Opisyal ng EPD nagkaloob ng escort kay Jimenez, sinibak

-
Sinibak kahapon sa kanyang puwesto ang isang mataas ng opisyal ng Eastern Police District (EPD) dahil sa umanoy pagbibigay nito ng police escorts kay dating Manila Representative Mark Jimenez ng magkaroon ito ng press conference sa Pasig kamakailan.

Ayon kay EPD Chief Supt. Luizo Ticman, iniutos niya ang pagsibak kay Supt. Rogelio Labor bilang hepe ng EPD-District Mobile Force habang iniimbestigahan ang nasabing kaso.

Agad namang pinalitan ni Supt. Cesar Lumagbas si Labor na ngayon ay inilipat na sa Mandaluyong police station.

Nag-ugat ang pagkakasibak ni Labor matapos na malaman na siya umano ang nagbigay ng mga armadong police escort ng magkaroon ng isang media interview si Mark Jimenez noong huling linggo ng Oktubre sa Pasig City.

Umaabot ang mga heavily-armed police escort ni Jimenez sa pito katao na nakapalibot sa nasabing fastfood habang iniinterbyu si Jimenez ng mga reporters.

Ang paglabas sa mga pahayagan ng nasabing insidente ay umani naman ng pagkondena kay Justice Secretary Raul Gonzales dahil sobra umanong espesyal si Jimenez at kinakailangang pa ng ganung karaming escort. (Edwin Balasa)

CESAR LUMAGBAS

CHIEF SUPT

DISTRICT MOBILE FORCE

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

JIMENEZ

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALES

LUIZO TICMAN

MANILA REPRESENTATIVE MARK JIMENEZ

MARK JIMENEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with