Dakong alas-11:45 ng tanghali nang aksidenteng tamaan ng pala ng isang construction worker ang fetus na isang lalaki habang ginagawa ang landscaping sa bahay ng singer sa St. Michael St., St. Chavel Executive Homes sa Tandang Sora, Quezon City.
Ayon kay Joey Pasagin, nagulat siya nang tamaan ng kanyang pala ang fetus na kahalo sa mga lupang panambak na idineliber doon lulan sa isang Elf truck. Dahil dito nagkaputul-putol ang kanang binti ng fetus.
Nabatid na ang Elf truck na nagdadala ng panambak ay galing sa Bawa St., NIA Compound, Tandang Sora, Quezon City. (Doris Franche)