^

Metro

Fetus hinalo sa panambak

-
Isang 6-na buwang fetus ang natagpuan at napala kasama ng mga panambak na lupa sa ginagawang bahay ng tinaguriang Popstar Champion na si Sarah Geronimo, kahapon ng tanghali sa Quezon City.

Dakong alas-11:45 ng tanghali nang aksidenteng tamaan ng pala ng isang construction worker ang fetus na isang lalaki habang ginagawa ang landscaping sa bahay ng singer sa St. Michael St., St. Chavel Executive Homes sa Tandang Sora, Quezon City.

Ayon kay Joey Pasagin, nagulat siya nang tamaan ng kanyang pala ang fetus na kahalo sa mga lupang panambak na idineliber doon lulan sa isang Elf truck. Dahil dito nagkaputul-putol ang kanang binti ng fetus.

Nabatid na ang Elf truck na nagdadala ng panambak ay galing sa Bawa St., NIA Compound, Tandang Sora, Quezon City. (Doris Franche)

AYON

BAWA ST.

DORIS FRANCHE

JOEY PASAGIN

POPSTAR CHAMPION

QUEZON CITY

SARAH GERONIMO

ST. CHAVEL EXECUTIVE HOMES

ST. MICHAEL ST.

TANDANG SORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with