^

Metro

Jeep holdap napurnada: 5 holdaper namaril

-
Nasawi ang isang pulis, habang tatlo pa ang malubhang nasugatan kabilang ang dalawang paslit makaraang pagbabarilin ang mga ito ng limang notoryus na holdaper nang maunsyami ang sana’y panghoholdap nila sa isang pampasaherong dyip, kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa katawan ang biktimang si PO3 Jhon-jhon Justo, miyembro ng Mandaluyong police na nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 4, habang patuloy namang ginagamot sa magkakahiwalay na pagamutan ang iba pang mga biktima na sina Julius Anabo, 30, nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan, Ronald Bedeno, 5, may tama ng bala sa batok at Joselito Paminiano, 3-anyos na nagtamo ng isang tama sa hita.

Samantala, naaresto naman ang apat sa limang suspect na nakilalang sina Victor Valdes, 24; Randy Puno, 28, Chito Catbagan, 24, at Jobert Dumlao, 23, habang pinaghahanap pa ang isa nilang kasama na nakilala lamang sa alyas na Melvin.

Ayon kay Supt. Ericson Velasquez, hepe ng Mandaluyong police naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng umaga sa kahabaan ng 9 de Pebrero Brgy. Addition Hills ng lungsod na ito matapos na magduda ang mga suspect na natunugan ng pulis na biktima ang balak na panghoholdap sa sinasakyang pampasaherong dyip.

Nang pagbaba ng pulis sa dyip ay agad na sinundan ito ng mga suspect at dalawang beses na binaril dahilan ng agaran nitong pagkamatay. Matapos ang pangyayari ay tumakas ang mga suspect at kinumander ang isang Feroza na may plakang WFG-229 na pag-aari ng isang Manuel Sanchez.

Subalit nang malamang nasundan sila ng mga rumispondeng pulisya ay agad ding inabandona ng mga suspect ang Feroza at magkakahiwalay na tumakas.

Nang-agaw ng traysikel ang dalawa sa mga suspect na sina Valdes at Puno at habang tumatakas ay walang habas na nagpapaputok sa mga nakasunod na mga kagawad ng pulisya dahilan upang tamaan ng ligaw na bala ang tatlong biktima.

Nasukol din ang mga ito makalipas ang ilang minutong habulan. Habang nadakip naman sina Catbagan at Dumlao sa isang bahay sa Blk. 38, 115 HIC Welfareville Compound na pag-aari ng isang Erica Topis na ngayon ay kasalukuyan ding iniimbestigahan kung ano ang partisipasyon nito sa mga suspect.

Lumalabas din sa ulat na mga notoryus na holdaper ang mga suspect matapos na mapag-alaman na ang kanilang grupo rin ang tumira at tumangay ng malaking halaga ng pera sa ginawang fly-over robbery noong isang linggo sa nasabi ring lungsod. (Edwin Balasa)

ADDITION HILLS

CHITO CATBAGAN

EDWIN BALASA

ERICA TOPIS

ERICSON VELASQUEZ

FEROZA

ISANG

JOBERT DUMLAO

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with