^

Metro

Pasay traffic chief, suspindido

-
Pinatawan ng 90 days preventive suspension ni acting Pasay City Mayor Allan T. Panaligan sina Florencio Mateo, hepe ng Pasay Traffic and Management Office (PTMO) at Arturo Hortaleza, assistant ni Mateo matapos sumugod ang mahigit sa 20 traffic enforcers sa city hall upang ireklamo ang  mga iregularidad sa nasabing opisina kahapon.

Kinasuhan naman ng awtoridad ng obstruction of justice at direct assault ang anim na traffic enforcer na umano’y nagtangkang pigilan ang pag-iisyu ng suspension order kay Mateo at nanuntok pa ng mga pulis na kinilala naman na sina Insp. Rodolfo Panaligan at SPO1 Jojo Polangco ng Pasay detachment na sumama sa pag-iisyu ng suspension order.

Nilisan naman ni Mateo ang kanyang opisina matapos nitong makipag-usap ng matagal kina Pasay chief of police Marieto Valerio, city legal officer Joseph Castillo at Business Permit and Licensing Office chief Atty. Crisostomo Beltran.

Isa sa mga reklamo kay Mateo ay ang panloloko nito sa kanila na libre ang pagpapagawa ng kanilang uniporme ngunit ibabawas din pala sa kanilang mga sahod. Pansamantala naman munang itinalaga bilang OIC ng PTMO si Beltran at agad naman pinulong ang ilang traffic enforcers na nakatalaga sa EDSA Tramo.

Ayon kay Atty. Beltran, status quo muna ang nasabing tanggapan at sinabing sa kanya muna manggagaling ang mga direktiba ng opisina. Kasama rin ni Atty. Beltran sa pamamalakad ng nasabing opisina sina Kapitan Felicisimo Arnesto at Ingracio Pesebre na buong pusong susuporta para sa kapakanan ng nasabing tanggapan. (Lordeth Bonilla)

ARTURO HORTALEZA

BELTRAN

BUSINESS PERMIT AND LICENSING OFFICE

CRISOSTOMO BELTRAN

FLORENCIO MATEO

INGRACIO PESEBRE

JOJO POLANGCO

JOSEPH CASTILLO

KAPITAN FELICISIMO ARNESTO

MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with