Ayon kay QCPD director, Sr. Supt. Magtanggol Gatdula, dakong alas-5:15 ng madaling-araw nang maharang ng kanyang mga tauhan ang Isuzu closed aluminum van na may plakang XGN-335 na naglalaman ng mga kahon ng mga pekeng Marlboro cigarette matapos ang isang linggong surveillance.
Sinabi ni Gatdula na marami na silang natatanggap na reklamo hinggil sa pagkalat ng mga pekeng sigarilyo kung kayat agad niyang pinamanmanan ang mga suspect.
Kasalukuyan ding iniimbestigahan sina Alex Mauricio, 33, driver; at pahinante na sina Rufino Morales, 63, at Rafael Ramirez, 39, na nahuling magdideliver ng mga pekeng sigarilyo sa Mayon St.
Subalit ayon kay Morales, isang alyas Jerry ang kanilang katagpo sa tuwing may delivery at ito ang siyang magde-deliver sa isang warehouse. Itinanggi nito na alam niyang peke ang mga sigarilyo.