^

Metro

Parak, 4 pa sa Galarce slay at nambomba sa lamay tukoy na

-
Kilala na ng pulisya ang limang suspect kabilang ang pulis na half-brother at tiyuhin ng pinaslang na inmate sa loob ng Caloocan City Jail na akusado sa Ralph Ruñez slay kamakailan na siyang mga bumaril at pumatay sa ama ng state witness sa nasabing kaso at ang naghagis ng tatlong granada sa lamay ng huli sa Tala, nasabing lungsod.

Sa ipinalabas na progress report ni Supt. Nap Cuaton, deputy chief of police at hepe ng Caloocan Police Station Investigation and Detection Management Bureau, ang mga suspect ay nakilalang sina PO1 Michael Beatriz, half-brother o kinakapatid ng pinatay na inmate na si Ernanie Magnayon na sangkot sa Ruñez slay; Cesar Magnayon, tiyuhin ni Ernanie; Rannie dela Cruz, Jess Javier at Albert Malloza, pawang sa Caloocan City.

Sinampahan na rin ng Caloocan Police kahapon ng kasong 2 counts of murder at multiple frustrated murder ang mga suspect sa Caloocan Prosecutor’s Office.

Ang mga suspect ay tumutugma sa mga cartographic sketch na ipinalabas ng Caloocan Police kamakalawa matapos na magbigay ng deskripsiyon ang mga saksi sa pananambang sa ama ni Charles Galarce na si Celerino, 47, tricycle driver sa Admin Site, Tala ng dalawang suspect na kasama rin sa limang suspect na namataan na naghagis ng granada sa lamay ng ama ni Charles na si Celerino (Galarce), ikatlong gabi matapos na siya ay mapatay noong Nob. 7, 2006.

Paghihiganti ang lumalabas na motibo sa pamamaslang sa nakatatandang Galarce at ang tangkang pagpatay pa sa pamilya nito sa pamamagitan ng pagpapasabog sa burol ng una. (Ellen Fernando)

ADMIN SITE

ALBERT MALLOZA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY JAIL

CALOOCAN POLICE

CALOOCAN POLICE STATION INVESTIGATION AND DETECTION MANAGEMENT BUREAU

CALOOCAN PROSECUTOR

CELERINO

CESAR MAGNAYON

CHARLES GALARCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with