Sa kasong murder at frustrated murder: Apo ni Dolphy arestado
November 15, 2006 | 12:00am
Bumagsak sa mga elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang apo ni comedy King Dolphy na wanted sa kasong murder sa isinagawang operasyon sa Bicutan Rehabilitation Center, kahapon ng umaga.
Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame, iniharap nina PNP Chief Director General Oscar Calderon at Deputy Director for Administration Deputy Director Avelino Razon Jr. sa mediamen ang nasakoteng suspect na si Nicolo Paolo Quizon, 19.
Ang batang Quizon ay apo ni Dolphy sa kanyang anak na si Freddie Quizon.
Ayon kay Calderon, ang suspect ay inaresto ng PNP-CIDG operatives sa Center for Ultimate Rehabilitation of Drug Dependent sa Camp Bagong Diwa, Bicutan dakong alas-11 ng umaga.
Sinabi ni Calderon na ang suspect ay inaresto ng mga awtoridad alinsunod sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Elsa de Guzman ng Branch 89 ng Quezon City Regional Trial Court (RTC).
Nabatid na ang suspect ay responsable sa pananaksak at pagkapatay sa biktimang si Joel Tulabot at pagkasugat sa magkapatid na Roland Ybañez at Jojo Ybañez na naganap sa Scout Alcaraz, New Manila, Quezon City noong Disyembre 18, 2005.
Ayon kay Calderon nakatanggap ng impormasyon ang PNP-CIDG operatives na nasa rehabilitation center ang suspect kayat matapos maberipikang positibo ang ulat ay isinagawa ang raid sa lugar.
Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal sa PNP-CIDG detention center sa Camp Crame ang nasakoteng apo ng comedy King. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest