Gunman sa Melendrez-slay timbog
November 14, 2006 | 12:00am
Nalaglag sa kamay ng mga operatiba ng Malabon police ang isa sa dalawang suspect na bumaril at pumatay sa kapatid ng Tanod photographer na si Dick Melendrez na napaslang din kamakailan at pagkasugat ng tatlong kabataan kabilang ang anak ng huli sa Malabon City kamakalawa.
Ayon kay Supt. Wilfredo Ramos, officer-in-charge (OIC) ng Malabon Police, dakong alas-4:45 ng hapon kamakalawa, 15 oras matapos ang pamamaril sa biktimang si Ernesto Melendrez sa bahay nito sa Gozun cmpd., Letre Road, Tonsuya nang maaresto nito kasama ang kanyang mga tauhan ang suspect na si Reynaldo Maico sa isang bundok na matatagpuan sa Pintong Bocaue, San Mateo, Rizal.
Sinabi ni Ramos na isang tawag mula sa isang asset nila ang nagturo sa kinaroroonan ni Maico sa isang liblib na lugar sa Rizal. Matapos ang interogasyon sa suspect ay inamin nito ang kanyang partisipasyon sa pagpatay kay Ernesto Melendrez at sinabing matinding galit ang nagbunsod sa kanya upang patayin ang biktima matapos ang matagal na alitan dahil sa illegal na tubig at kuryente sa lugar.
Bukod dito, nitong huli ayon sa suspect ay nagkasuntukan sila ni Ernesto (Melendrez) na kanyang kapitbahay matapos na aksidenteng mabuhusan ng mainit na kape ng huli ang una. Hindi na narekober pa kay Maico ang kanyang kalibre .38 baril dahil naibigay umano nito sa kasamang suspect na si Nonoy Mondarez na may hawak na .45 pistol na ngayon ay tinutugis din ng mga awtoridad.
Nabatid na hindi naman iniuugnay ng pulisya ang kasong pagpatay kay Ernesto Melendrez sa pamamaslang naman sa kanyang kapatid na photojournalist ng pahayagang Tanod na si Dick noong Hulyo 31, 2006 sa loob din ng bahay nito sa Malabon. Sasampahan na ng kasong murder at tatlong counts ng frustrated murder sina Maico at Mondarez. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended