^

Metro

NPD-OIC, pinasisibak!

-
Dahil sa kahinaan ng kanyang liderato at kawalan ng aksyon sa sunud-sunod na pagpatay sa mga pangunahing testigo partikular sa Ruñez at Melendrez slay na nagresulta ng pagkamatay at pagkasugat ng maraming katao, hiniling ng mga kaanak ng mga biktima at mga residente sa Caloocan at Malabon City na sibakin na sa puwesto si Sr. Supt. Rufino Druja, officer-in-charge ng Northern Police District (NPD) at palitan ng opisyal na mas mahusay magtrabaho.

Hiniling na rin ng isang mataas na opisyal kay PNP chief Oscar Calderon na agarang magtalaga ng kapalit ni Druja. Si Druja ang itinalagang OIC sa NPD matapos na malipat si Chief Supt. Leopoldo Bataoil sa Region 1 mula sa NPD.

Sinabi ng source na hindi rin kinikilala si Druja ng mga chief of police ng Camanava area matapos na walang dumalo sa ipinatawag nitong pulong.

Ayon sa mga kaanak ng mga biktima ng pamamaslang, mukhang malalagas silang lahat kapag nanatili pa sa puwesto si Druja dahil sa kawalan nito ng pakialam sa mga nangyayari sa kanyang nasasakupan sa Camanava area. (Ellen Fernando)

AYON

CAMANAVA

CHIEF SUPT

DRUJA

ELLEN FERNANDO

LEOPOLDO BATAOIL

MALABON CITY

NORTHERN POLICE DISTRICT

OSCAR CALDERON

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with