^

Metro

Utol ng Tanod fotog tinodas

-
Isang kapatid ng photojournalist na itinumba kamakailan sa Malabon City ang pinatay habang sugatan ang anak ng huli at dalawa pang kabataan matapos na pagbabarilin ang mga ito sa Gozun Compound, nasabing lungsod kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center bunga ng mga tama ng punglo sa katawan si Ernesto Melendrez, 38, butcher, ng P-3, Lot 98, Gozun Compound, Letre Road, Tonsuya, Malabon. Si Ernesto ay kapatid ni Dick Melendrez, ang photojournalist ng pahayagang Tanod na pinagbabaril at pinaslang sa loob ng kanyang bahay noong Hulyo 31, 2006

Kasalukuyan namang ginagamot sa nasabi ring ospital ang anak ni Dick na si Paulo Melendrez, 12 at iba pang biktima na sina Alfred Lumukso, 14 at Joseph Arcega, 14, na pawang nagtamo ng sugat sa binti. Pinaghahanap naman ng pulisya ang dalawang suspect na kinilalang sina Nonoy Mondarez at Reynaldo Malco, kapwa taga Gozun Compound.

Ayon kay PO2 Benjamin Sy, naglalakad sa Gozun Compound papasok sa trabaho si Ernesto nang tambangan ng mga suspect dakong ala-1:30 ng madaling-araw.

Agad na nilapitan ni Mondarez si Ernesto at pinaputukan habang nagsilbing look-out si Malco. Nagawa pang makatakbo sa bahay ang biktima subalit hinabol pa rin ng mga suspect at muling pinagbabaril ng sunud-sunod na naging sanhi ng pagkadamay ng anak ni Dick at iba pang kabataan na nasa lugar.

Lumalabas na paghihiganti ang motibo sa krimen dahil sa dati umanong alitan subalit tinitingnan pa ng awtoridad kung may kinalaman din ito sa pagpatay sa naturang photojournalist. (Ellen Fernando)

ALFRED LUMUKSO

BENJAMIN SY

DICK MELENDREZ

ELLEN FERNANDO

ERNESTO

ERNESTO MELENDREZ

GOZUN COMPOUND

JOSEPH ARCEGA

LETRE ROAD

MALABON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with