^

Metro

62 miyembro ng Manila Parking Bureau sinibak

-
Sinibak na sa tungkulin ni Manila Mayor Lito Atienza ang 62 miyembro ng Manila Parking Bureau na sangkot diumano sa kaliwa’t kanang pangongotong sa mga motorista, pagiging ‘protektor’ at madalas na absence without official leave (AWOL).

Ang aksiyon na ito ng alkalde ay bunsod na rin ng isinumiteng rekomendasyon ni Manila Traffic Management Office chief, Supt. Roberto dela Rosa.

Nabatid na maraming reklamo ang natatanggap ni dela Rosa kaugnay sa mga katiwalian ng mga nasabing traffic at parking enforcer. Partikular ding tinukoy ang pagiging protektor ng mga nasibak na mga tauhan ni dela Rosa sa mga terminal ng bus at jeep sa Lawton, na nagdudulot ng pagsisikip ng trapiko.

Binawi na rin ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga inisyung libreng uniporme at traffic violation receipt (TVR) sa mga nasibak na traffic enforcer. Sa kasalukuyan, may 190 na lamang ang natitirang traffic enforcer sa ilalim ng "Matapat". (Ludy Bermudo)

BINAWI

LAWTON

LUDY BERMUDO

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANILA PARKING BUREAU

MANILA TRAFFIC MANAGEMENT OFFICE

MATAPAT

MAYNILA

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with