Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi malapit sa isang creek sa kahabaan ng Bautista St., Brgy. Bayanan. Habang naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar, namataan ito ng suspect kung saan may kasama itong ilang kalalakihan.
Tiwala naman ang biktima dahil kakilala niya ang suspect sumama ito nang alukin siyang mag-inuman muna sila. Nilasing muna ang babae bago ito dinala malapit sa isang creek at dito isinagawa ang panggagahasa sa kanya habang ang mga kasama namang kalalakihan ni Ortinero ay nagsilbing look-out nang isinasagawa nito ang panggagahasa sa dalaga. (Lordeth Bonilla)