^

Metro

Ex-OFW nilasing muna bago hinalay ng kapitbahay

-
Nilasing muna bago ginahasa ang isang 28-anyos na dating overseas Filipino worker (OFW),  kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City. Ang biktima ay itinago sa pangalang Alyana, dalaga, ng Bautista St., Brgy. Bayanan ng lungsod na ito. Sa isang follow-up operation ng Muntinlupa City Police, nadakip naman ang suspect na si Nestor Ortinero, 26, nakatira sa #182 ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi malapit sa isang creek sa kahabaan ng Bautista St., Brgy. Bayanan. Habang naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar, namataan ito ng suspect kung saan may kasama itong ilang kalalakihan.

Tiwala naman ang biktima dahil kakilala niya ang suspect sumama ito nang alukin siyang mag-inuman muna sila. Nilasing muna ang babae bago ito dinala malapit sa isang creek at dito isinagawa ang panggagahasa sa kanya habang ang mga kasama namang kalalakihan ni Ortinero ay nagsilbing look-out nang isinasagawa nito ang panggagahasa sa dalaga. (Lordeth Bonilla)

ALYANA

BAUTISTA ST.

BAYANAN

BRGY

HABANG

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

NESTOR ORTINERO

NILASING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with