2 Koreano timbog sa panghoholdap
November 11, 2006 | 12:00am
Timbog ang dalawang Korean national matapos nilang holdapin ang driver ng sinakyan nilang taxi kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Kapwa nakadetine ngayon sa Quezon City Police District-Anonas Station 9 ang mga suspect na sina Park Kyung Lyul, 23, at Lee Seong Hyeon, 17, na naninirahan sa Aduana St., New Intramuros Village, Quezon City.
Base sa salaysay sa pulisya ng biktimang si Cesar Buena, 56, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa Teachers Village, QC.
Nabatid na sumakay umano ang dalawang suspect sa Katipunan Avenue at nagpahatid sa UP ngunit pagsapit sa Masinsinan St., Teachers Village ay bigla na lamang pinahinto ng mga suspect si Buena. Unang inakala ni Buena na magbabayad na ang mga Koreano ngunit nagulat na lamang siya nang may itinutok na patalim sa kanyang tagiliran saka kinuha ang may P2,000 na kinita at cellphone nito saka bumaba ng taxi at naglakad na lamang.
Agad namang humingi ng tulong si Buena sa kapwa taxi driver kung saan ay natimbog ang mga suspect sa follow-up operation.
Inamin naman ng mga suspect na napilitan lamang silang mangholdap dahl nagkulang ang kanilang perang pambayad sa isang bar. Nahaharap naman sa kasong robbery-hold-up ang mga suspect. (Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest