5 opisyal ng Marines sabit sa coup, tagilid ang kalusugan
November 11, 2006 | 12:00am
Lima sa anim na coup plotters na inilipat ng kulungan sa Fort San Felipe, Cavite City ang pawang dumadanas ng karamdaman kabilang ang dalawang may hepatitis B, habang isa pa ang pinangangambahang lumala ang sakit sa puso dahilan sa hindi magandang pasilidad ng kanilang detention center.
Ito ang ibinulgar kahapon ng isang mataas na opisyal ng Philippine Marines na tumangging magpabanggit ng pangalan kung saan isa sa maysakit na coup plotter ay dumudumi na umano ng dugo.
Isa umano sa dalawang opisyal na may hepa B si Col. Junuario Caringal, habang hindi naman binanggit ang pangalan ng isa pang opisyal.
Samantala, sinabi pa ng ranking officer na halos lahat ng anim na opisyal na kinabibilangan nina Caringal, Colonels Ariel Querubin, Orlando de Leon, Lt. Col. Custodio Parcon, Armando Bañes at Achieles Segumilian ay pawang dumadanas naman ng high blood pressure.
Partikular na tinukoy ng opisyal si Querubin na may alta presyon at posible umanong mauwi sa malalang sakit sa puso.
Tanging si Segumilian umano ang nanatiling matatag sa anim na opisyal na inilipat mula sa Bonifacio Naval Station (BNS) sa Fort Bonifacio, Makati City matapos na mapaulat na itatakas sila ng kanilang mga kaalyado.
Nabatid na bunsod nang hirap na nararanasan ng mga nabanggit na opisyal matapos na ipag-utos ni Navy Chief Flag officers In Command Vice Admiral Mateo Mayuga noong Oktubre 28, 2006 na ilipat sila sa Cavite Naval Station mula sa Fort Bonifacio, Taguig ay posibleng lumala pa ang kanilang karamdaman.
Patuloy namang nagbabalak maghain ng reklamo sa Commission on Human Rights (CHR) ang anim na Marine Officer na isinasangkot sa bigong kudeta noong nakalipas na Pebrero 24, 2006 upang iprotesta ang sobrang higpit o restriction na ipinatutupad sa Fort San Felipe.
Sinasabing bukod sa napakahigpit na pamamalakad sa nasabing piitan ay langit lamang ang nakikita ng mga nakadetine doon dahil bukod sa mataas ang bakod may mga nakapatong pang mga yero at barbed wire sa itaas at bawal silang tumanggap ng bisita habang kinumpiska rin ang mga cellphone ng mga ito.
Magugunita na ang nasabing mga opisyal ay isinasangkot sa bigong kudeta laban sa administrasyon nitong nakalipas na Pebrero 24. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest