Kinidnap na Tsinoy trader, nakalaya na
November 11, 2006 | 12:00am
Matapos ang isang linggong pagkakabihag pinalaya na kahapon ng mga pinaghihinalaang bigtime kidnap-for-ransom (KFR) gang ang kinidnap na Tsinoy trader na dinukot sa Malabon City, kamakailan.
Kinumpirma ni Supt. Wilfredo Ramos, hepe ng Malabon Police ang paglaya sa kidnap-victim na si Carlos Co., 56, ng E. Custodio St. cor Rodriguez St., Brgy. Santulan ng nabanggit na lungsod.
Ayon kay Ramos, tumawag sa kanya si Brgy. Chairman Jess Manalastas ng Brgy. Santulan na nagsabing nakalaya na si Co at ngayoy hawak ng PACER. Pinalaya ito sa isang lugar sa Sta. Maria, Bulacan.
Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Ramos kung may ransom na ibinigay ang pamilya nito kapalit ng paglaya ng biktima.
May ulat na P1 milyon ang ibinayad para sa kalayaan ni Co.
Magugunita na bandang alas-5:20 ng hapon noong Nobyembre 4, 2006 habang sakay sa kanyang owner type jeep ang biktima nang harangin ng mga armadong kalalakihan sakay ng isang Mitsubishi Adventure na may plakang CJE-169.
Ilang oras lamang matapos ang pagtangay sa biktima nang tumawag ang mga abductors gamit ang cellphone ng biktima kay Jovita Co, maybahay ng kidnap-victim at humihingi ng ransom kapalit ng kalayaan ng asawa.
Dahil dito, napilitan si Mrs. Co na humingi ng tulong sa PACER pero isang araw lamang ang nakalipas ay nanatili nang tahimik ang pamilya ng biktima.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended