^

Metro

Eroplano ng Asian Spirit, nag-emergency landing

-
Nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang 26 na pasahero at crew member na sakay ng Dash 7 aircraft ng Asian Spirit Airlines makaraan ang matagumpay na emergency landing nito sa Ninoy Aquino Internatonal Airport (NAIA), kahapon.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:48 ng hapon nang ang flight 6K-678, 4-engine propeller type ng eroplano na may registry No. RPC 2915 ay makaranas ng pagkasira sa isa sa makina nito habang nasa himpapawid.

Habang nasa kalagitnaan, may 30 milya ang layo mula sa NAIA, kaagad na rumadyo si Pilot Captain Dennis Sison at co-pilot na si Capt. Alejandro Sundiam Jr. sa Manila Control Tower para humiling ng emergency landing.

Matagumpay naman ang isinagawang emergency landing at walang iniulat na nasugatan sa mga sakay nito.

Napag-alaman na ang nasabing domestic flight ay nagmula sa Caticlan at patungong Maynila nang masiraan.

Mabilis namang umamtabay ang mga tauhan ng Airport Ground Operations Division, Rescue and Fire Division at Safety Section para tiyakin na maayos at ligtas ang isasagawang paglapag ng nabanggit na eroplano. (Butch Quejada)

AIRPORT GROUND OPERATIONS DIVISION

ALEJANDRO SUNDIAM JR.

ASIAN SPIRIT AIRLINES

AYON

BUTCH QUEJADA

MANILA CONTROL TOWER

NINOY AQUINO INTERNATONAL AIRPORT

PILOT CAPTAIN DENNIS SISON

RESCUE AND FIRE DIVISION

SAFETY SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with