Pirata patay sa sekyu ng barko
November 10, 2006 | 12:00am
Nasawi ang isang hinihinalang pirata sa Manila Bay matapos na mabaril sa ulo ng security guard sa sinampahan nitong barko, kahapon ng madaling-araw sa South Harbor.
Patuloy na kinikilala pa rin ng pulisya ang nasawing suspect na nasa pagitan ng 30-35 anyos, mahaba ang buhok, nakasuot ng brown t-shirt, jacket at itim na shorts.
Nakilala naman ang nakabaril na sekyu na si Sonny Kulinsoy, 28, ng Dagat-dagatan, Navotas.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling-araw sa M/V Pacific na naka-angkla sa gitna ng Manila Bay malapit sa South Harbor.
Sinabi ni Kulinsoy na nagbabantay siya sa barko nang mapansin ang isang bangkang de-motor sa gilid ng barko sakay ang isang lalaki. Nang mag-inspeksyon, nakita nito ang dalawang magnanakaw na bitbit ang dalawang sako ng bigas na lulan na cargo ng barko.
Nagpaputok umano siya ng warning shot ngunit gumanti ng putok ang isa sa mga suspect. Dito na nagkaroon ng pagpapalitan ng putok ng baril hanggang sa tamaan ng sekyu ang isa sa mga suspect, habang nakatalon naman sa tubig ang kasama nito at tumakas sakay sa bangkang de-motor.
Ayon naman kay Capt. Lazaro Abiedo na matagal nang may nagaganap na nakawan sa mga cargo ship na naka-angkla sa Manila bay na kagagawan ng mga pirata lalo na sa mga barkong walang sapat na seguridad. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest