^

Metro

Dancer suspect sa pagpaslang sa PDA producer

- Doris Franche-Borja -
Isang dancer na miyembro ng isang dance group sa ABS-CBN ang sinisilip ng pulisya na umano’y sangkot sa pagpaslang sa executive producer ng Pinoy Dream Academy (PDA) noong Nobyembre 3 ng madaling-araw sa bahay nito sa Quezon City na inilabas ng Quezon City Police District-Criminal.

Kasabay nito, inilabas na rin ng pulisya ang cartographic sketch ng suspect.

Ang suspect ay tinatayang nasa gulang na 22, may taas na 5’7’’, balingkinitan ang katawan, maputi, may hikaw sa kaliwang tainga. Sinasabing miyembro ito ng isang dance group ng ABS-CBN. Hindi pa nagbigay ng iba pang detalye ang pulisya ukol dito, habang isinasagawa pa ang masusing imbestigasyon.

Nabatid na ang artist sketch ay batay na rin sa testimonya ng isang jeepney driver na nakipag-ugnayan sa pamilya ng biktimang si Joselito "Joel" Siervo, 38.

Lumilitaw sa testimonya ng saksi na papauwi na siya nang madaanan at makita niya ang biktima na pinapagalitan ang suspect na nakasuot ng bullcap at nagtatalo hanggang sa sumakay sa isang kulay gray na kotse.

Kinabukasan, nagulat na lamang umano ang saksi nang mapanood sa TV ang sinapit ni Siervo kung kaya’t agad siyang nakipag-ugnayan sa pamilya nito.

Magugunitang 12 saksak sa katawan ang tinamo ng biktima na natagpuang walang saplot sa katawan at nakahandusay sa kanyang kama.

Patuloy naman ang isinasagawang follow-operation ng pulisya ukol dito.

vuukle comment

DREAM ACADEMY

ISANG

JOSELITO

KASABAY

KINABUKASAN

LUMILITAW

MAGUGUNITANG

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL

SIERVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with