^

Metro

Obrero nadaganan ng tone-toneladang salamin

-
Patay ang isang construction worker makaraang madaganan ito ng tone-toneladang bigat ng salamin na kanyang kinakamada sa loob ng isang container van, kahapon ng umaga sa Pasig City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Rizal Medical Center ang biktimang si Oscar Ilagan, empleyado ng C.M. Maligaya Enterprises.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas 8:30 ng umaga habang inaayos ng biktima kasama ang isa pang kasamahan sa trabaho ang nakakahong salamin sa container yard area ng Asahi Glass Philippines na matatagpuan sa Brgy. Pinagbuhatan ng lungsod na ito upang ihatid sa mga kliyente.

Nabatid na aksidenteng gumuho ang mga nakakamadang kahon ng salamin at natabunan ang biktima habang mabilis namang nakatalon sa van ang kasama nito.

Sinikap pang alisin ng mga kasamahan ang biktima sa pagkakadagan ilang toneladang kahon ng salamin at itinakbo sa nasabing pagamutan subalit namatay din ito dahil sa tinamong pinsala sa katawan at ulo.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing insidente. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ASAHI GLASS PHILIPPINES

AYON

BRGY

EDWIN BALASA

KASALUKUYANG

MALIGAYA ENTERPRISES

NABATID

OSCAR ILAGAN

PASIG CITY

RIZAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with