^

Metro

Nag-escort kay Mark Jimenez iimbestigahan ng NAPOLCOM

-
Ipatatawag at iimbestigahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang anim na pulis, na nagsisilbing escort ni dating Congressman Mark Jimenez nang magsagawa ito ng press conference sa isang restaurant sa Pasig City kamakailan.

Ayon kay Atty. Bernardo Calibo, director ng Personnel and Administrative Service (PAS) ng NAPOLCOM, nakikipag-ugnayan na ang mga tauhan ng Investigation, Monitoring and Intelligence Service (IMIS) sa pamunuan ng Eastern Police District (EPD) upang malaman kung anu-ano ang mga nilabag na alituntunin ng mga nag-escort na parak.

Nabatid na ang anim na pulis ay nakatalaga District Mobile Group ng EPD, kung saan isa-isa na ring inaalam ang mga pangalan ng mga ito.

Posible aniyang masibak pa sa serbisyo ang mga ito kapag napatunayan ng NAPOLCOM na walang kautusan sa hepe ng Philippine National Police (PNP) o sa chairman ng NAPOLCOM ang kanilang pag-eescort kay Jimenez.

Nilinaw pa ni Calibo, base sa alituntunin ng NAPOLCOM hinggil sa pag-eescort sa mga VIP ng pulisya, na tanging ang mga pulis na may ranggong P01 hanggang SP03 lamang ang pinahihintulutan na maging police escort at depende na rin aniya ito sa tindi ng banta sa buhay ng isang individual para payagan ang hiling nilang police escort. (Lordeth Bonilla)

BERNARDO CALIBO

CONGRESSMAN MARK JIMENEZ

DISTRICT MOBILE GROUP

EASTERN POLICE DISTRICT

LORDETH BONILLA

MONITORING AND INTELLIGENCE SERVICE

NATIONAL POLICE COMMISSION

PASIG CITY

PERSONNEL AND ADMINISTRATIVE SERVICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with