Lalaki timbog sa baril at mga granada
November 9, 2006 | 12:00am
Arestado ang isang 46-anyos na lalaki makaraang mahulihan ito ng granada at baril ng rumispondeng pulisya sa isang rambulan, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Kinilala ang suspect na si Marcelo Macalipay, may asawa, caretaker at residente ng Doña Pepeng Subd. Brgy. Banaba San Mateo, Rizal.
Sa ulat, nadakip ang suspect matapos na tumawag ang isang concerned citizen sa himpilan ng pulisya na may nagaganap na rambulan sa kahabaan ng Westbank Road, Floodway Brgy. Maybunga ng lungsod na ito.
Agad namang rumisponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 8 at inabutan doon ang suspect na nagwawala pa sa kalsada.
Mabilis din namang sumuko ang suspect ng makita ang mga kagawad ng pulisya subalit ng kapkapan ito ay nakuha sa pag-iingat nito ang dalawang granada, kalibre .22 na baril at mga bala nito.
Kasalukuyang nakapiit ang suspect sa Pasig Police habang inihahanda ang patong-patong na kaso laban dito. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest