Magka-angkas sa motorsiklo, ipagbabawal sa Makati

Dahil sa sunod-sunod na holdapan at aksidente  na sangkot ang mga naka-motor, planong  ipagbawal sa lungsod ng Makati ang magka-angkas na nakasakay sa mga motorsiklo at aarestuhin ang mga ito. Ito ang pinag-aaralan ngayon ng pamahalaang lungsod na ipatupad sa ilalim ng isang ordinansa.

Ito ay dahil na rin sa nagaganap na serye ng panghoholdap na ang mga sangkot ay magkakaangkas. Bukod dito tumaas din ang insidente ng aksidente na ang sangkot ay pawang nakasakay sa motorsiklo. (Lordeth Bonilla)

Show comments