^

Metro

Double dead na karne nagkalat sa Maynila

-
Nagbabala kahapon sa publiko ang Manila Police District (MF) na mag-ingat sa pagbili ng karne dahil sa nagkalat na double dead meat sa mga pamilihan partikular na sa Divisoria.

Ito’y matapos na makakumpiska ang mga tauhan ng MPD-District Intelligence and Investigation Division (DIID) ng tinatayang 680 kilo ng double dead na karne na nagkakahalaga ng P360,000.

Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang pulisya kasama ang mga kinatawan ng Veterinary Inspection Board dakong alas- 11 kamakalawa ng gabi sa panulukan ng CM Rector Avenue at Ilaya Sts. sa Divisoria.

Naareso sa nasabing operasyon ang mga tindero na sina Noel Espineda, 34; Arturo Natividad, 24 at Marvin Ayo, 26.

Ikinanta ng mga nadakip na tindero ang isang PO2 Raymond Orpiana na nakatalaga sa NCRPO na siya nilang protektor sa ilegal na gawain.

Kinumpirma naman ni DR. Bong de Jesusu ng VIB na mga double dead na karne ang nakumpiska. (Danilo Garcia)

ARTURO NATIVIDAD

DANILO GARCIA

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

DIVISORIA

ILAYA STS

MANILA POLICE DISTRICT

MARVIN AYO

NOEL ESPINEDA

RAYMOND ORPIANA

RECTOR AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with