Ayon kay Supt. Nap Cuaton, ng Caloocan Police nangangalap pa sila ng matibay na ebidensiya laban sa nasabing suspect na pulis at iba pang salarin sa pananambang at pamamaril sa biktimang si Celerino Galarce, ama ng state witness sa Ruñez slay na si Charles Galarce.
Kaugnay nito, binigyan kahapon ng 72-oras na ultimatum ni Supt. Cuaton para resolbahin at tukuyin ang responsable sa pagpaslang.
Magugunitang si Charles Galarce, ay ang self-confessed killer ng RPN-9 cameraman na si Ruñez ay nasa kustodiya ng pulisya dahil sa mga banta sa kanyang buhay matapos nitong ikanta ang ibang sangkot sa panghoholdap at pagpaslang sa biktimang si Ruñez. Itinuro nito sina Inspector Bryan Limbo at PO3 Aristotle de Guzman at si Ernani Magnayon na sangkot sa pagpaslang kay Ruñez.
Si Magnayon ay magugunitang nabaril at napatay habang nakakulong sa Caloocan jail.
Kamakalawa naman ay ang ama ni Galarce ang itinumba ng hindi pa nakikilalang mga suspect. (Ellen Fernando)