^

Metro

SA RUÑEZ SLAY: Parak ‘utak’ sa pagpatay sa ama ng witness

-
Malaki ang paniwala ng isang opisyal ng Caloocan City Police na isa ring parak ang utak sa pagpatay sa ama ng state witness sa Ralph Ruñez slay sa nabanggit na lungsod kamakalawa.

Ayon kay Supt. Nap Cuaton, ng Caloocan Police nangangalap pa sila ng matibay na ebidensiya laban sa nasabing suspect na pulis at iba pang salarin sa pananambang at pamamaril sa biktimang si Celerino Galarce, ama ng state witness sa Ruñez slay na si Charles Galarce.

Kaugnay nito, binigyan kahapon ng 72-oras na ultimatum ni Supt. Cuaton para resolbahin at tukuyin ang responsable sa pagpaslang.

Magugunitang si Charles Galarce, ay ang self-confessed killer ng RPN-9 cameraman na si Ruñez ay nasa kustodiya ng pulisya dahil sa mga banta sa kanyang buhay matapos nitong ikanta ang ibang sangkot sa panghoholdap at pagpaslang sa biktimang si Ruñez. Itinuro nito sina Inspector Bryan Limbo at PO3 Aristotle de Guzman at si Ernani Magnayon na sangkot sa pagpaslang kay Ruñez.

Si Magnayon ay magugunitang nabaril at napatay habang nakakulong sa Caloocan jail.

Kamakalawa naman ay ang ama ni Galarce ang itinumba ng hindi pa nakikilalang mga suspect. (Ellen Fernando)

vuukle comment

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN POLICE

CELERINO GALARCE

CHARLES GALARCE

ELLEN FERNANDO

ERNANI MAGNAYON

INSPECTOR BRYAN LIMBO

NAP CUATON

RALPH RU

RU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with