^

Metro

Pasyente tumalon mula 5th floor, lasog

- Ni Angie dela Cruz -
Basag ang bungo at lasug-lasog ang katawan ng isang 44-anyos na pasyente makaraang tumalon ito mula sa ikalimang palapag ng East Avenue Medical Center kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Joseph Ferrer, 44, karpintero, tubong Bicol. Isang linggo na itong nakaratay sa nabanggit na pagamutan dahil sa kanser sa baga at sakit sa puso.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa nasabing pagamutan. Nabatid na sinalisihan ng biktima ang pag-alis ng kanyang bantay na kumuha ng tubig sa labas ng kanyang silid sa Room 5025 hanggang sa magtungo sa bintana bago ito tuluyang tumalon.

Labis umanong dinamdam ng nasawi ang pagkakaroon niya ng malubhang karamdaman at iniisip pa nito ang gagastusin sa kanyang chemotherapy na magpapahirap pa umano sa kanyang mga mahal sa buhay. Ikinabigla ng iba pang mga pasyente ang ginawang pagtalon nito sa bintana, gayunman, masusi pa ring sinisiyasat ng mga awtoridad ang pangyayari.

AYON

BASAG

BICOL

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

IKINABIGLA

ISANG

JOSEPH FERRER

KANYANG

NABATID

NAKILALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with