^

Metro

Maid uminom ng lason, tigok

-
Palaisipan sa pulisya ang pagpapakamatay ng isang 19-anyos na babaeng kasambahay ng isang pamilya ng Tsinoy matapos na uminom ito ng hinihinalang lason kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Hindi na nagawang isalba ang buhay ng mga doktor sa Rizal Medical Center ang biktimang si Agnes Soriano, 19, stay-in maid sa 451 Asuncion St. Brgy. San Miguel ng lungsod na ito.

Sa imbestigasyon ni PO3 Roger Baltazar, may hawak ng kaso, naganap ang pagpapakamatay umano ng biktima dakong ala-1:45 ng madaling-araw sa kusina ng bahay na pinaglilingkuran.

Nabatid sa amo nitong si Rebecca Tijing, huli niyang nakitang buhay ang biktima habang naglalaro itong mag-isa ng baraha sa lamesa sa kusina.

Subalit ilang oras ang nakalipas ay nagulat na lang umano siya at nagising sa pagkakatulog ng marinig niyang walang tigil sa pagsusuka ang biktima kaya agad niya itong pinuntahan.

Laking gulat umano ng amo ng makitang may dugo na ang sinusuka ng biktima kaya agad itong nagpatulong sa mga kasama sa bahay upang dalhin ito sa nasabing pagamutan subalit isang oras lang ang nakalipas ay namatay na din ito.

Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon na bahagyang nasunog ang labi at baba ng dahil umano sa may ininom na kakaibang kemikal ang biktima.

Hinala ng pulsiya na isa sa anggulong kanilang tinututukan ay ang pagpapakamatay ng biktima subalit upang makasiguro ay dinala ang bangkay nito sa PNP Crime laboratory upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito at kung may foul play na naganap dito. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AGNES SORIANO

ASUNCION ST. BRGY

BIKTIMA

EDWIN BALASA

HINALA

PASIG CITY

REBECCA TIJING

RIZAL MEDICAL CENTER

ROGER BALTAZAR

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with