Panlaban Sa Mga Gay Killer: Mga bakla, pinag-aaral ng Kung Fu
November 5, 2006 | 12:00am
Dahil sa sunud-sunod na pagpatay sa mga bakla, iginiit kahapon ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos sa gobyerno na magkaroon ng programa para sa pag-aaral ng Kung Fu at iba pang uri ng martial arts o self-defense para sa mga ito upang maipagtanggol ang kanilang mga sarili mula sa gumagalang "gay killer."
Ginawa ni Marcos ang reaksiyon matapos mapaslang ng hindi pa nakikilalang gay killer si Joselito SierVo, 38, executive producer ng Pinoy Dream Academy (PDA).
Ayon sa ulat, pangatlo na si SierVo sa napapatay sa ABS-CBN gay employee na pinaslang sa Quezon City sa nakalipas na dalawang taon.
Sinabi ni Marcos na "weaker sex" na rin ang tingin ngayon ng mga kalalakihan sa mga bakla at sinasamantala na rin ang kanilang kahinaan.
Nararapat lamang aniyang magkaroon ng programa ang gobyerno para sa mga bakla dahil sa mahalagang papel na kanilang ginagampanan sa lipunan. Idinagdag nito na mas okey na Kung Fu ang ituro sa mga bakla dahil "effortless" umano ang nasabing martial arts at nababagay sa mga lalakeng miyembro ng third sex.
"Mas okey pag Kung Fu dahil effortless na ito para sa mga bading. Dapat magkaroon ng programa ang gobyerno para sa self-defense," ani Marcos sa isang text message.
Napuna ni Marcos na pawang mga produktibong indibidwal ang mga ABS-CBN gay employee na napaslang sa nakalipas na dalawang taon.
"Sayang naman dahil malaki ang naiiambag nila sa lipunan, at marami pa sana silang magagawa," dagdag nito.
Maliban pa kay SierVo, napaslang din sa loob ng kanyang tahanan sa Quezon City noong May 26, 2005 si Eli "Mama Elay" Formaran, 52, isang entertainment writer. Nahuli ang pumaslang kay Formaran, pero hindi pa natatapos ang kaso.
Napaulat din na noong Agosto 8, 2005, natagpuan ang naaagnas na katawan ni Larry Estandarte, 27, ABS-CBN program researcher sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto sa UP Village, Brgy. Krus na Ligas, Quezon City. Maliban sa mga ito, marami pa ring mga bading kadalasan ay may mga mataas na pinag-aralan o nasa mahusay na trabaho o larangan ang nagiging biktima ng pagpaslang kaya marapat lamang na mabigyan din ng pansin ang mga ito ng mga kinauukulan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest