1 patay, 1 sugatan: Motorsiklo sinalpok ng kotse
November 3, 2006 | 12:00am
Lasog ang isang lalaki at nasa kritikal namang kondisyon ang live-in partner nito matapos i-hit and run ng isang kotse habang magkaangkas sa isang motorsiklo ang mga biktima at dumadaan sa isang flyover sa Makati City kahapon ng madaling-araw.
Nasawi noon din si Leonardo Aquitana, 36, habang ginagamot naman sa Ospital ng Makati ang live-in partner nitong si Maritess Monterola, 23, kapwa residente ng Lot 10, Block 1, Blue Eagle St., Brgy. Rizal ng lungsod na ito.
Kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect at ang hindi pa batid na sasakyan at plaka nito.
Sa imbestigasyon ng Makati City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong ala-1:50 ng madaling araw sa Buendia Avenue flyover, ng naturang siyudad.
Magkaangkas umano ang mga biktima sa isang motorsiklo galing sa isang pagdiriwang at habang binabagtas ang nabanggit na lugar ay biglang binundol ng kulay pulang kotse ng suspect ang likod na bahagi ng motorsiklo ng mga biktima.
Dahil sa lakas ng pagkasalpok ay tumilapon ang mga biktima at humampas ang mga ulo sa semento. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung sino ang suspect na may kagagawan sa trahedya. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am