QC fire: 1 patay

Patay ang isang lalaki matapos na umano’y ma-suffocate matapos ang sunog na naganap sa isang subdibisyon sa lungsod ng Quezon, kahapon ng madaling araw.

Nakilala lamang ang nasawi sa alyas na Maurice, ng Milagrosa St., Villa Sabina Subdivision, Brgy. Talipapa ng nabanggit na lungsod.

Natagpuan ito sa loob ng comfort room ng kanilang bahay at hinihinalang na-suffocate matapos ang naganap na sunog.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-9:57 ng gabi nang magsimula ang sunog sa isang junkshop sa lugar hanggang sa tuluyang madamay ang ilang kabahayan.

Dakong alas-4:49 ng madaling-araw nang tuluyang naapula ang sunog kung saan iniulat na 13 pamilya ang nawalan ng tirahan.Tinataya namang aabot sa isang milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog na patuloy pa ring iniimbestigahan kung ano ang tunay na pinagmulan. (Ricky Tulipat)

Show comments