^

Metro

4 pang utol kritikal: Magkapatid patay sa sepsis

- Gemma Amargo-Garcia -
Patay ang magkapatid na paslit, habang nasa malubha pa ring kalagayan ang apat pa nilang kapatid dahil umano sa sakit na sepsis, kamakalawa sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Medical Center kahapon ng umaga si Erica Flava, 5, samantalang nauna nang binawian ng buhay sa kanilang tahanan sa Administrative Site sa Tala, Caloocan City ang nakababata nitong kapatid na si Erwin, 4.

Samantala, apat pa nilang mga kapatid na nakilalang sina Ednalin, 6; Angel, 3; Roxanne, 2; at Eloisa, 1, ang sinasabing nasa kritikal pa ring kondisyon dahil sa matinding dehydration.

Sa inisyal na imbestigasyon, noong Sabado pa namatay si Erwin at habang nakaburol ay sumunod namang namatay si Erica kahapon ng umaga.

Sa isang banda, inaalam pa rin ng mga manggagamot kung ano ang tunay na pinagmulan ng matinding pagsakit ng tiyan at pagtatae ng mga magkakapatid gayong ang huling kinain lamang ng mga ito ay pritong isda at gulay.

Ayon naman kay Eric. Tayag, ng National Epidemiology Center ng DOH nagpadala na sila ng team upang magsagawa ng imbestigasyon kung ano ang tunay na nangyari sa magkakapatid.

Lumalabas sa death certificate ni Erica na sepsis ang ikinamatay nito. Nabatid pa na maaaring sanhi ito ng poor hygiene sa naturang lugar.

Magugunitang neo-natal sepsis naman ang ikinamatay ng pitong sanggol sa Rizal Medical Center kamakailan.

ADMINISTRATIVE SITE

AYON

CALOOCAN CITY

DR. JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER

EDNALIN

ELOISA

ERICA FLAVA

ERWIN

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

RIZAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with