^

Metro

Kelot na labas-pasok sa kulungan, nagbigti

-
Isang lalaki na labas-pasok sa kulungan ang winakasan ang sariling buhay habang nasa impluwensiya ng alak sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob ng kanilang bahay kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Patay na nang idating sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Marvin Biso, ng 1333 Sevilla St., Tondo.

Batay sa ulat ng pulisya dakong alas-7:30 ng umaga nang matagpuan ang biktima na nakabigti gamit ang kurtina ng bahay.

Nabatid na lango sa alak na umuwi ng bahay si Biso at sinita ang isang grupo ng kabataan na nakaistambay sa kanilang lugar kamakalawa ng gabi.

Pinagmumura pa ng suspect ang mga kabataan at narinig na sinabi nito ang katagang "magpapakamatay ako at kapag patay na ako, isusumpa ko kayo".

Hanggang sa kanyang bahay ay sigaw ng sigaw si Biso. Nang tumahimik ito ay agad na dinistrungka ng kanyang mga kaanak ang pinto ng kuwarto na kinandado nito at doon nadiskubre ang pagbibigti nito.

Hindi naman mabatid kung ano talaga ang maaaring motibo sa isinagawang pagbibigti ni Biso. (Danilo Garcia)

BATAY

BISO

DANILO GARCIA

HANGGANG

ISANG

MARVIN BISO

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

NABATID

SEVILLA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with