^

Metro

Pasyente tumalon mula ika-7 palapag ng PGH, lasog

-
Humabol sa Todos los Santos ang isang pasyente ng Philippine General Hospital (PGH) matapos na tumalon buhat sa ika-7 palapag ng gusali sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ni MPD-Homicide Section Chief Inspector Alejandro Yanquiling ang nasawing pasyente na si Jeffrey Holgado, 34, binata ng Brgy. San Jose, Alitagtag, Batangas City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng umaga nang magulantang ang mga pasyente ng PGH nang tumalon ang biktima mula sa ika-7 palapag ng gusali ng pagamutan.

Nauna rito, nabatid na galing sa Batangas City ang biktima at ipinasok sa naturang pagamutan nitong nakaraang Oktubre 30 ng dakong alas-8:45 ng umaga sa hindi pa matiyak na karamdaman.

Nang maganap ang pagpapakamatay, nabatid na nagbabantay dito ang nakababatang kapatid nito. Binanggit ng bantay na bigla na lamang umanong bumangon ang kanyang kuya sa kama at nagtungo sa bintana.

Inakala ng bantay na magpapahangin lamang ito ngunit nabigla siya nang sumampa ito sa bintana at tumalon.

Inaalam ngayon ng mga imbestigador buhat sa pamilya ng biktima ang tunay ng sakit nito na siyang pangunahing tinitingnan na ugat ng kanyang pagpapakamatay. (Danilo Garcia)

ALITAGTAG

BATANGAS CITY

BINANGGIT

BRGY

DANILO GARCIA

ERMITA

HOMICIDE SECTION CHIEF INSPECTOR ALEJANDRO YANQUILING

JEFFREY HOLGADO

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with