^

Metro

Pinatay na jeepney driver nagmumulto!

-
Dahil hanggang sa ngayon ay mailap pa rin ang katarungan kaya’t nagpapakita umano sa kanyang mga kamag-anak ang jeepney driver na binaril at napatay ng assistant ni Manila Mayor Lito Atienza kamakailan.

Sinabi ng pamilya Luriz na nagpakita sa kanya ang kanyang anak na si Aries Luriz ng Dagupan, Tondo na tumatangis at humihingi ng katarungan habang nasa loob ng kanilang bahay.

Si Aries Luriz ay binaril at napatay ni Noli Sugay, 59, noong Hulyo 12, 2006 sa loob mismo ng minamaneho nitong jeepney na nakaparada sa harapan ng bahay nito.

"Usad pagong kasi ang kasong isinampa namin laban kay Sugay, ito marahil ang nais na iparamdam ni Aries sa amin," pahayag ni Gng. Rosario Luriz.

Gayundin ang nararamdaman ng lima pang kapatid nito na sina Alex, Allan, Anthony, Arnold at Liza na nagsabing madalas daw magpakita sa kanilang mga panaginip ang kanilang napatay na kapatid.

"Gusto niyang ipaalala sa amin na huwag kaming bibitaw sa kaso para makamit namin ang katarungan," wika ni Liza.

Nabatid na nag-aalala rin ang pamilya Luriz sa lagay ng kanilang kaso dahil sa dalawang beses nang hindi dumadalo ang kanilang legal counsel na si Atty William Merquino.

Kahapon, nag-vigil ang buong pamilya Luriz sa kinalalagyang nitso nito sa Manila North Cemetery. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ALEX

ARIES LURIZ

ATTY WILLIAM MERQUINO

GEMMA AMARGO-GARCIA

LURIZ

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANILA NORTH CEMETERY

NOLI SUGAY

ROSARIO LURIZ

SI ARIES LURIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with