Empleyado ng city hall dedo sa pulis
October 31, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 36-anyos na empleyado ng City hall ng Taguig makaraang barilin ito sa ulo ng kaaway na pulis habang papauwi ng kanilang bahay, kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.
Agarang nasawi sanhi ng isang tama ng bala ng 9mm kalibre ng baril sa ulo ang biktimang si Roy Madara, nakatalaga sa General Service Office ng city hall ng Taguig at residente ng No. 9 President Quirino St. Zone 6 Brgy. Signal Village ng lungsod na ito.
Kasalukuyan namang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspect na nakilalang si PO2 Allan dela Peña, 31, nakatalaga sa Taguig Police Headquarters at residente din ng nasabing barangay.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente ay nagkaroon muna nang pag-aaway sa hindi mabatid na dahilan ang suspect at biktima na nauwi sa suntukan subalit agad din namang naawat ng ilang mga kapitbahay.
Subalit lingid sa kaalaman ng biktima ay may iba pang balak ang suspect at dakong alas-10:30 ng gabi ay papauwi na sa kanilang bahay ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng President Laurel St. dala ang isang supot na pansit na pasalubong sana sa pamilya ay bigla na lang lumitaw ang una at binaril sa ulo ang huli na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan. Mabilis namang sumuko ang suspect na pulis sa kanyang mga kabaro bitbit ang baril na ginamit sa pagpatay sa biktima. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest